NALUSUTAN ng Makati-Super Crunch ang late surge ng North leader San Juan-Go For Gold, 91-88, sa isang closed door game upang ipuwersa ang decider sa 2020 Chooks-to-Go MPBL Lakan North Division Finals noong Miyerkoles ng gabi sa FilOil Flying V Centre.
Naghahabol ang San Juan ng 10 points, nagsanib-puwersa ang quartet nina Jhonard Clarito, Art Aquino, Orlan Wamar, at CJ Isit para sa defending champions, sa pagpapasabog ng 9-3 blast upang tapyasin ang kalamangan sa dalawa na lamang, 87-89, may 20 segundo sa orasan.
Gayunman ay hindi pinanghinaan ng loob si Joseph Sedurifa upang bigyan ang Makati ng four-point lead, may 14 segundo ang nalalabi.
Sa sumunod na tagpo ay na-split ni Lawrence Victoria ang free throws na nagbigay kay John Wilson ng huling pagkakataon para ihatid ang laro sa overtime. Gayunman ay sumablay si Wilson sa kanyang three-point attempt upang malasap ng Knights ang kanilang unang kabiguan sa home.
“We talked to each other na we’ve been in this situation before, na our backs are against the wall. Kailangang bumalik tayo sa sistema natin, at siyempre, ‘yung depensa,” wika ni Makati head coach Beaujing Acot.
Nanguna si Jeckster Apinan sa pagresbak ng Makati sa pagkamada ng halos triple-double na 20 points, 12 rebounds, 7 assists, kasama ang dalawang steals at isang block.
Naitala naman ni Jong Baloria ang 10 points sa kanyang 18 points sa final period. Ang produkto ng Perpetual ay naging ika-4 na player sa kasaysayan ng MPBL na nagsalpak ng tres, may 53 segundo ang nalalabi sa second quarter.
Nagbuhos sina CJ Isit at Andoy Estrella ng tig-17 points para sa Knights, na nalasap ang unang home loss sa season.
Lalaruin ang Game 3 sa Sabado sa parehong venue.
Samantala, natakasan ng top seed Davao Occidental-Cocolife ang third-ranked Basilan-Jumbo Plastic, 81-76, upang maipuwersa ang Game 3 sa South Division Finals sa Lamitan City Gym sa Basilan.
Iskor:
Davao Occidental (81) – Calo 17, Albo 14, Mocon 10, Custodio 8, Robles 7, Yee 7, Terso 6, Balagtas 4, Saldua 4, Gaco 2, Ludovice 1, Forrester 1.
Basilan (76) – Bautista 24, Collado 21, Bulanadi 7, Balucanag 7, Gabo 6, Dumapig 5, Dagangon 2, Bringas 2, Uyloan 2, Manalang 0, Palencia 0, Daa 0.
QS: 15-18, 36-37, 64-55, 81-76.
Makati (91) – Apinan 20, Baloria 18, Sedurifa 15, Torralba 14, Ablaza 13, Cruz 5, Villanueva 3, Atkins 3, Lingganay 0, Importante 0.
San Juan (88) – Wilson 21, Estrella 17, Isit 17, Clarito 12, Ayonayon 7, Tajonera 4, Wamar 4, Gabawan 2, Aquino 2, Victoria 1, Bunag 1, Reyes 0, Pelayo 0.
QS: 18-18, 38-35, 62-54, 91-88.
Comments are closed.