BACOOR, CAVITE – Sinipa ng Manila-Frontrow ang Mindoro-JAC Liner matapos ang wire-to-wire 133-101 victory sa 2019-20 Chooks-to-Go MPBL Lakan Season kahapon sa Strike Gym dito.
Nagbuhos si Carlo Lastimosa ng 27 points, 8 rebounds at 5 assists at umangat ang Manila sa 23-5 kartada para sa second spot sa Northern division.
“Maganda ang focus ng players namin offensively at defensively from start to finish, they just attacked Mindoro’s defense all game,” wika ni Stars head coach Tino Pinat.
Limang iba pang Manila cagers ang nagposte ng double-figures, sa pangunguna ni Jonjon Gabriel na may 16 points at 8 boards, habang gumawa si Gabby Espinas ng 15 markers, at ang duo nina Jollo Go at Marvin Lee ng tig-12 sa pitong triples. Nag-ambag si Mac Montilla ng 10 points at 4 dimes.
KInapos si Chris Bitoon sa triple-double sa kinamadang 8 points, 8 rebounds, at 12 dimes.
Nagpasabog ang Stars ng 39 points sa second quarter, 14 mula kay Lastimosa habang nalimitahan ang Tamaraws sat 24 lamang upang itarak ang 22-point margin sa break, 65-43.
Lumobo ang kalamangan ng Manila sa hanggang 32 points sa stepback three-pointer ni Go mula sa left-wing, ang final basket sa laro.
Nasayang ang 28 points at 5 rebounds ni Rodel Vaygan para sa Mindoro na bumagsak sa 9-18, at tumapos sa kanilang playoff hopes.
Iskor:
Manila-Frontrow (133) – Lastimosa 27, Gabriel 16, Espinas 15, Lee 12, Go 12, Montilla 10, Abrigo 8, Bitoon 8, Matias 8, Dionisio 6, Tallo 5, Laude 2, Lopez 2, Manalo 2.
Mindoro-JAC Liner (101) – Vaygan 28, Baracael 18, Bangeles 15, Mandreza 12, Abanes 10, Matias 6, Osicos 5, Astrero 3, Acedillo 2, Axalan 2.
QS: 26-19, 65-43, 94-78, 133-101
Comments are closed.