MPBL: MVP SI WILSON

John Wilson

NASUNGKIT ni John Wilson ng San Juan ang MVP award sa MPBL Lakan Season.

Tinanggap ni Wilson ang  award bago ang Game 4 ng finals sa pagitan ng San Juan at ng Davao Occidental.

Hindi na bago kay Wilson ang pagiging MVP kung saan nakopo niya ang titulo sa NCAA noong 2009 habang naglalaro para sa Jose Rizal University.

Si Wilson, may averages na 19.6 points, 6.15 rebounds, 2.53 assists at  2.4 steals, ay sinamahan sa All-MPBL First Team nina San Juan teammate Mike Ayonayon, last season’s MVP runner-up Mark Yee ng Davao Occidental, Jeric Teng ng Pasig, at Jeckster Apinan ng Makati.

Ang All-MPBL Second Team ay binubuo naman nina last season’s MVP Gab Banal ng Bacoor, Aris Dionisio ng Manila, Pamboy Raymundo ng Gensan, Cris Bitoon ng Manila, at  Dhon Reverente ng Pasay.

Nakopo rin ni Yee ang Defensive Player of the Year award, habang naiuwi ni Davao Occidental teammate Billy Ray Robles ang Sportsmanship Award.

Tinanggap naman ni Nueva Ecija team owner Bong Cuevas ang Executive of the Year award. CLYDE MARIANO

One thought on “MPBL: MVP SI WILSON”

  1. 810313 961211An intriguing discussion is worth comment. Im certain that you basically write regarding this topic, may possibly not be considered a taboo subject but typically persons are too small to communicate on such topics. To an additional. Cheers 753649

Leave a Reply

Your email address will not be published.