MPBL: NO. 1 SEED ANG SAN JUAN

MPBL San Juan

NAKOPO ng San Juan-Go for Gold ang top spot sa North makaraang tambakan ang Min­doro-JAC Liner, 114-68, sa 2019-20 Chooks-to-Go MPBL Lakan Season kahapon sa Bahayang Pag-Asa Gym sa Valenzuela.

Tumabo si John Wilson ng  16 points, 6 rebounds, at 6  assists at tinapos ng Knights ang  eliminations sa 26-4.

Nagdagdag si Larry Rodriguez ng 13 points at 9 boards,  habang nag-ambag sina Joseph Ubalde ng 12 markers at 9 nine rebounds, at Andoy Estrella at Jhon Clarito ng tig-11 points.

“Hindi lang kami tumingin sa standings. Ginawa lang namin ‘yung sistema namin kaya kami nandito sa number one spot,” wika ni  San Juan coach Randy Alcantara.

Kumarera ang Knights sa 37-15 first quarter at hindi na lumi­ngon pa, kung saan nadoninahan nito amg Mindoro sa buong laro.

Isang booming triple ni Orlan Wamar sa paubos na segundo ng laro ang nagbigay sa San Juan ng pinakamalaki nitong kalamangan sa 46.

Tumipa si Rodel Vaygan ng 17 points sa 16 shots at kumalawit ng 8  rebounds para sa Tamaraws na nahulog sa 9-20.

San Juan-Go for Gold (114) –  Wilson 16, Rodriguez 13, Ubalde 12, Estrella 11, Clarito 11, Ayonayon 10, Gabawan 8, Victoria 7, Wamar 6, Aquino 6, Tajonera 5, Marquez 4, Pelayo 3, Buñag 2, Bonifacio 0.

Mindoro-JAC Liner (68) –  Vaygan 17, Baracael 15, Abanes 14, Osicos 5, Mandreza 4, Acedillo 4, Axalan 4, Bangeles 2, Alulod 1, Astrero 1.

QS: 37-15, 70-33, 90-48, 114-68

Comments are closed.