MPBL: PAMPANGA SA PLAYOFFS

MPBL pampanga

SA LIKOD ng all-around brilliance ni  Mark Cruz ay sinelyuhan ng Pampanga ang kanilang playoff berth  sa pamamagitan ng 90-70 pagdurog sa also-ran Rizal-Xentro Mall sa 2019-20 Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season kahapon sa Ynares Arena sa Pasig.

Nagbuhos si Cruz ng triple-double na 10 points, 12 assists, at 10 rebounds upang tulungan ang Pampanga na maipuwersa ang two-way tie sa Bulacan sa fourth spot ng North Division na may 18-9 marka.

Abante ng 12 points papasok sa second half, bumanat ang Pampanga ng 18-8 rally, tampok ang three-pointer ni Reil Cervantes, upang itarak ang pinakamalaking kalama­ngan sa laro sa  23, 58-35, sa 3:52 mark ng third period.

“Ang target namin is to go one game at a time, try to win as much as we can hanggang matapos kasi nagpo-positioning tayo. Sa akin, kahit sino ang makalaban naming, ang importante ay gawin namin ‘yung part namin,” wika ni  Pampanga head coach Bong Ramos.

Ang Rizal na nahulog sa 4-21 sa North Division ay pinangunahan ni Kelvin Gregorio na may 21 points at eight rebounds habang nag-ambag si Golden Coolers team captain Mark Benitez ng 10 markers at 5 boards.

Iskor:

Pampanga (90) – Juico 19, Hernandez 14, Cruz 10, Cervantes 9, Maiquez 9, Baltazar 7, Binuya 7, Gomez 6, Muyang 4, Alberto 3, Acuno 2, Baltazar 0, Enriquez 0, Fabian 0, Salcedo 0

Rizal-Xentro Mall (70) – Gregorio 21, Benitez 10, Raflores 9, Hoyohoy 7, Leynes 5, Casajeros 5, Saliente 5, Bacay 3, Regalado 3, Butel 0, Raflores 0, Rosales 0

QS: 15-18, 39-27, 66-47, 90-70

3 thoughts on “MPBL: PAMPANGA SA PLAYOFFS”

  1. 396611 492478Thank you a good deal for giving everybody an extraordinarily particular possiblity to check tips from here. 101173

Comments are closed.