MPBL: PAMPANGA, SAN JUAN SA GAME 1

MPBL

NAKAUNA ang Pampanga at San Juan laban sa kani-kanilang katunggali sa pagsisimula ng Maharlika Pilipinas Basketball League playoffs noong Sabado ng gabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Pinadapa ng Giant Lanterns, seeded fourth sa Northern Division, ang fifth-seeded Bataan Risers, 71-64, habang napigilan ng Knights, ang top-seeded team sa buong playoffs, ang upset kontra eighth-seeded Pasay Voyagers, 75-74.

Nalimitahan ng Pampanga ang Bataan sa walong puntos lamang sa first quarter at kumarera sa 30-point lead, 48-18, sa huling bahagi ng second.

Nabuhay ang Risers sa second half, at nalimitahan ang Giant Lanterns sa walong puntos lamang sa third quarter at nagtala ng  24 sa final frame, subalit hindi ito sapat para maitakas ang panalo.

“Buti na lang may puhunan kami. I’m still happy with the way that we played,” wika ni coach Bong Ramos matapos ang panalo.

Nanguna si Levi Hernandez para sa Giant Lanterns na may 18 points sa 8-of-15 shooting at 5 rebounds.

Nagsalansan si Ryan Batino ng 19 points sa 8-of-11 field goals, 10 rebounds, 2 blocks, at 2 steals para sa Bataan.

Samantala, kinailangan ng  San Juan ang fourth quarter blast, sa pangu­nguna ni John Wilson, upang maungusan ang Pasay sa home.

Nagbida si Mike Ayonayon para sa Knights na may 15 points, 2 rebounds, 5 assists, 2 steals, at 1 block.

Maaaring makumpleto ng San Juan at Pampanga ang sweep sa kanilang first-round meetings sa paglipat ng serye sa Angeles University Foundation Gym sa Huwebes ng gabi.

4 thoughts on “MPBL: PAMPANGA, SAN JUAN SA GAME 1”

  1. 193390 569187The posh distributed could be described as distinctive; customers are truly yearning for bags is really a Native aspirations. Which strange surroundings is built that is to market diversity furthermore importance with travel and leisure market trends. hotels unique offers 654973

  2. 981760 996118This is a good topic to talk about. Sometimes I fav stuff like this on Redit. I dont feel this would be the very best to submit though. Ill take a look around your site though and submit something else. 336789

Comments are closed.