MPBL: PAMPANGA VS SAN JUAN SA SEMIS

MPBL pampanga vs San Juan

ANGELES CITY – Humugot ng lakas ang fourth-seed Pampanga-ADG Group sa kanilang home crowd at dinispatas ang 1Bataan-Camaya Coast, 83-80, upang umabante sa 2020 Chooks-to-Go MPBL Lakan semifinals noong Huwebes ng gabi sa AUF Gym dito.

Naghahabol ang Pampanga sa isang puntos, may 44.4 segundo sa orasan, hinawi ni Dexter Maiquez ang depensa ni Chito Jaime at isinalpak ang kanyang layup para kunin ang kalamangan, 79-78.

Matapos ang timeout, agad na nagtangka si Byron Villarias ng isang tres na sumablay. Kasunod nito ay naipasok ni Maiquez ang apat na free throws upang bigyan ng limang puntos na bentahe ang kanyang koponan,  83-78, may 19.5 segundo ang nalalabi.

“Kailangan talaga naming maglaro tulad ng endgame execution nga­yon lalo na’t ang kalaban namin sa semis, defending champion na San Juan,” wika ni  Pampanga head coach Bong Ramos.

Tumapos si Maiquez na may 19 points at 9 rebounds habang nagposte si Michael Juico ng 14 markers at 7 boards.

Umiskor si Levi Hernandez ng 14 points habang nag-ambag si Larry Muyang ng 13 markers at 11 rebounds.

Nanguna si Reed Juntilla para sa Bataan na may 22 points habang nagdagdag si Chito Jaime ng 21 points, kabilang ang 11 free throws.

Makakasagupa ng Giant Lanterns ang reigning MPBL champion San Juan-Go for Gold sa best-of-three semifinals.

Umusad ang San Juan sa semis makaraang walisin ang Pasay, 74-67.

Iskor:

Unang laro:

San Juan-Go for Gold (74) – Wilson 17, Clarito 12, Wamar 10, Rodriguez 8, Isit 7, Victoria 7, Estrella 5, Bunag 3, Gabawan 2, Reyes 2, Marquez 0, Ayonayon 0.

Pasay (67) – Reverente 23, Jamon 11, Iñigo 7, Moradas 6, Belencion 5, Chan 5, Opiso 4, Ilagan 4, Lasquety 2, Pasia 0, Vitug 0, Lastimosa 0.

QS: 17-10, 32-22, 44-42, 74-67.

Ikalawang laro:

Pampanga-ADG Group (83) – Maiquez 19, Juico 14, Hernandez 14, Muyang 13, Alberto 6, Cervantes 5, Cruz 5, Fabian 4, Thompson 3, Apreku 0.

1Bataan-Camaya Coast (80) – Juntilla 22, Jaime 21, Villarias 9, Jumao-as 7, Castro 6, Iñigo 3, Nalos 3, Ortega 3, Batino 2, David 2, Gozum 2, Llanto 0.

QS: 23-13, 35-37, 64-58, 83-80.

Comments are closed.