MPBL: PLAYOFF BID PINALAKAS NG ZAMBOANGA

MPBL ZAMBOANGA

PINAIGTING ng Zamboanga Family’s Brand Sardines ang kanilang playoff bid sa pamamagitan ng 85-78 panalo laban sa Valenzuela-Carga Backload Solutions sa  2019-20 Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season sa Bahayang Pag-asa Gym sa Valenzuela City noong Martes.

Naghahabol ng 19 points, 76-57, naisalpak ni Jayson Varilla ang isang  three-pointer sa 7:38 mark ng fourth quarter upang bigyang buhay ang kampanya ng Valenzuela. Sinindihan ng dating UE stalwart ang 8-0 run upang tapyasin ang kalamangan ng Zamboanga sa 11 points, 76-65.

Gayunman ay bumalik sa laro si Alvin Pasaol, wala nang apat na minuto ang nalalabi, at kumana ng apat na sunod na puntos para sa  Zamboanga.

“I think we didn’t finish strong on this game. Of course, credit to Valenzuela for really protecting their own. Very well-coached and very disciplined team also I think we need to work on how to finish our game.”

Nagbuhos si Pasaol ng  24 points, 9 rebounds ay 4 assists  upang tulu­ngan ang Zamboanga na kunin ang ikatlong sunod na panalo tungo sa 16-10 record sa Southern Division, sapat para sa ika-7 puwesto sa umiinit na labanan.

Nag-ambag si Santi Santillan ng 14 points at 7 boards, habang gumawa si  Anton Asistio ng 11 points, kabilang ang dalawang triples.

Nanguna naman si Paolo Hubalde para sa Valenzuela na may 16 points, 9  rebounds at 6 assists.

Nagdagdag si Allan Santos ng 12 points at 7 boards , habang tumapos sina Varilla at Poligrates na may 12 at 10 markers, ayon sa pagka-kasunod, para sa Carga Backload Solutions-backed team.

Nalasap ng Valenzuela ang ikatlong sunod na kabiguan at bumagsak sa ika-16 na puwesto sa Northern Division na may 9-16 record.

Iskor:

Zamboanga Fa­mily’s Brand Sardines (85) – Pasaol 22, Santillan 14, Reyes 12, Asistio 11, Manzo 7, Black 6, Villamor 4, Rono 4, Thiele 2, Bonsubre 1, Morido 0, de Vera 0

Valenzuela-Carga Backload Solutions (78) – Hubalde 16, Varilla 12, Santos 12, Poligrates 10, Acuna 8, Mabigat 6, Ruaya 4, Diego 4, Sta. Maria 3, Ricafort 2, Gimpayan 1, Martinez 0, Kalaw 0, Armenion 0,

QS: 21-18, 45-35, 71-55, 85-78