MPBL: SAN JUAN SA NAT’L FINALS

san juan

BALIK sa national finals ang San Juan Knights makaraang durugin ang 5-player Makati Super Crunch, 131-54,  sa decisive Game 3 ng kanilang MPBL Lakan Season North Division Finals kahapon sa Subic Gymnasium.

Ang Makati, na pumasok sa laro na tabla sa San Juan, 1-1, sa kanilang best-of-3 series, ay naglaro na wala ang kanilang key players dahil umano sa  salary disputes.

Nagbuhos si dating PBA veteran John Wilson ng game-high 22 points sa 9-of-11 shooting mula sa field para sa San Juan, na umabante ng hanggang 78, 119-41, may  4:38 ang nalalabi.

Nag-ambag si Mike Ayonayon ng triple-double na 10 points, 10 rebounds at 11 assists.

Makakasagupa ng Knights, na pinangungunahan ni Mike Ayonayon, ang mananalo sa South Division duel sa pagitan ng Basilan-Jumbo Plastic at ng Davao Occidental-Cocolife.

Nakatakda sanang magsalpukan ang Basilan at Davao Occidental kahapon ngunit kinansela ang kanilang ‘do or die’ match makaraang mag-positibo sa COVID-19 ang isang player ng Basilan.

Ang buong Basilan delegation ay sumasailalim ngayon sa seven-day quarantine matapos na maklasipika bilang persons under investigation (PUIs).

“We are under seven days’ quarantine,” pagkukumpirma ni head coach Jerson Cabiltes.

Ipinagpatuloy ng MPBL ang  Lakan Cup sa isang bubble setup makaraang payagan ng Inter-Agency Task Force on COVID-19.

15 thoughts on “MPBL: SAN JUAN SA NAT’L FINALS”

  1. [url=https://drugsoverthecounter.com/#]diflucan over the counter[/url] over the counter anti nausea

  2. [url=https://drugsoverthecounter.shop/#]clobetasol cream over the counter[/url] best over the counter nausea medicine

  3. [url=https://drugsoverthecounter.shop/#]over the counter sleep aids that work[/url] over the counter medication for uti

  4. [url=https://drugsoverthecounter.shop/#]over the counter sinus medicine[/url] over the counter cialis

  5. [url=https://drugsoverthecounter.com/#]over the counter birth control[/url] strongest antifungal over the counter

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *