MAINIT na tinapos ng Basilan-Jumbo Plastic ang kanilang elimination round campaign nang tambakan ang Parañaque-Yabo Sports, 89-71, sa 2019-20 Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season kahapon sa Marikina Sports Center.
Nagpakawala si Gab Dagangon ng 26 points sa 10-of-20 shooting mula sa field at kumalawit ng limang rebounds at dalawang assists upang tulungan ang Steel na selyuhan ang third seed sa Southern Division na may 20-10 kartada.
Angat ng 10 points sa final frame, sinindihan ni Japs Bautista ang 12-1 blast upang kunin ang 89-68 bentahe, may 22 segundo ang nalalabi, upang tuluyang isara ang pintuan para sa Patriots.
“Secured ‘yung number three spot, ‘yun naman ‘yung sinasabi ko. Ayaw ko kasi ‘yung sa dulo close game pa, baka masilat pa kami,” wika ni Basilan head coach Jerson Cabiltes.
Tumipa si Michole Sorela ng 12 points at 4 rebounds habang tumapos si Jay Collado na may double-double na 11 points at 15 rebounds para sa Basilan.
Samantala, nanguna si Keith Pido paara sa also-ran Parañaque na may 14 points sa 6-of-13 shooting clip.
Nagdagdag si Jayboy Solis ng 13 points at 10 rebounds habang gumawa si Dale Begaso ng 10 points at 7 boards para sa Yabo Sports-backed squad na tinapos ang eliminations na may 8-22 marka.
Iskor:
Basilan-Jumbo Plastic (89) – Dagangon 26, Sorela 12, Collado 11, Bautista 8, Hallare 6, Gabo 6, Bringas 6, Dumapig 5, Manalang 2, Palencia 0, Vidal 0
Parañaque-Yabo Sports (71) –Pido 14, Solis 13, Begaso 10, Saguiguit 9, Mangalino 6, Banzali 5, Rabe 5, Antonares 4, Sunga 2, Lucente 2, Larotin 1, Menguez 0
QS: 21-20, 45-33, 65-57, 89-71
Comments are closed.