MPBL: ZAMBOANGA NAGPASIKLAB

MPBL ZAMBOANGA

DINISPATSA ng Zamboanga Family’s Brand Sardines ang also-ran Imus-Luxxe Slim, 88-72, habang pinahanga ni Senador Manny Pacquiao ang crowd sa 2019 Chooks-to-Go/MPBL Lakan Cup Canada Invasion kahapon ng umaga sa Seven Chiefs Sportsplex sa Calgary, Alberta, Canada.

Napanatili ng Zamboanga ang ika-6 na puwesto sa Southern Division ng liga na may 17-10 kartada.

Nagbuhos si Alvin Pasaol ng 21 points at 6 rebounds upang pangunahan ang Family’s Brand Sardines-owned Zamboanga sa ika-4 na sunod na panalo.

Tinapos nina Raffy Reyes at Reggie Morido, kasama si Pasaol, ang first half sa pamamagitan ng 7 unanswered points upang palobohin ang eight-point lead sa 46-31.

Patuloy na nanalasa ang Chooks-to-Go 3×3 star nang magpakawala ng 5 points sa 8-0 run na nagbigay sa Zamboanga ng pinakamalaking kalamangan sa laro, 54-31, may 9:10 ang nalalabi sa third.

Rumesbak sina Gerald Anderson, Jayjay Helterbrand at Jojo Cunanan sa pamamagitan ng 14-0 swing upang tapyasin ang bentahe sa 9, may 6:24 ang nalalabi sa third. Subalit ito lamang ang pinakamagandang nagawa ng Imus nang mabilis na putulin nina Anton Asistio at Aaron Black ng Zamboanga ang run.

Nagdagdag si Black ng 13 points, 7 rebounds, at 3 assists habang gumawa si  Asistio ng 12 points mula sa apat na triples.

Nanguna si Anderson para sa Imus na may 14 points at 5 assists habang nag-ambag si Jeric Nacpil ng 13 markers at 8 boards.

Bumagsak ang Luxxe Slim-backed squad sa 6-21 sa Southern Division.

Samantala, nagpasiklab si Pacquiao sa kanyang all-around game nang pataubin ng Team Pacquiao ang  Casem Calgary, 116-99, sa MPBL exhibition match.

Tumapos si Pacquiao na may triple-double na 31 points, 11 assists, at 10 rebounds upang pangunahan ang 17-point rout ng koponan sa Calgary squad na binubuo ng ilang overseas Filipino workers.

Samantala, tumabla ang Mark Yeeled MPBL All-Stars sa  Calgary Storm, 95-95.

Iskor:

Zamboanga Family’s Brand Sardines (88) – Pasaol 21, Black 13, Asistio 12, Bonsubre 7, Reyes 6, Manzo 6, Rono 6, Morido 4, Santillan 3, Ignacio 3, Argamino 2, De Vera 2, Villamor 0, Arboleda 0, Bederi 0

Imus-Luxxe Slim (72) – Anderson 12, Nacpil 13, Cunanan 12, Cantimbuhan 10, Helterbrand 5, Deles 4, Vito 3, Morales 3, Ong 3, Munsayac 3, Arellano 2, Daroya 0, Ng Sang 0, Lim 0, Cawaling 0, Gonzaga 0

QS: 24-18, 46-31, 70-55, 88-72

Comments are closed.