MPD DIRECTOR NAGHAIN NG ‘COURTESY RESIGNATION’

MATAPANG na kumasa sa hamon at nagsumite na ng ‘courtesy resignation’ si Manila Police District (MPD) Director P/Brig. General Andre Dizon.

Ipinakita mismo ni Dizon sa harap ng kanyang mga tauhan ang kanyang courtesy resignation na naging emosyonal pa habang ito ay inaanunsyo.

Ayon sa heneral, ipinadala na rin niya ang kopya sa tanggapan ng PNP at NCRPO.

Ito ay bilang pagkasa sa hamon ni DILG Sec. Benhur Abalos na magsumite ng courtesy resignation ang mga full fledged Colonel at General sa layong matanggal ang mga opisyal na sabit sa sindikato ng ilegal na droga.

Nauna nang sinabi ni Dizon na suportado niya ang hangarin ni Abalos na malinis ang hanay ng pambansang pulisya mula sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Sinabi ng “the game changer’” na 30 taon na siya sa tungkulin pero ginawa niya ang courtesy resignation para mapatunayan na malinis ang kanyang konsensiya at malinis ang hanay ng MPD.

Tulad ng sinabi ng PNP Chief at DILG, tuloy pa rin ang trabaho ni Dizon habang Hindi naaprubahan ang kanilang courtesy resignation.

Sa ngayon abala ang heneral sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno ngayong Enero 9.

Panawagan naman niya sa iba ay gayahin ito, pero boluntaryo at walang sapilitan.
PAUL ROLDAN