MAYNILA – UPANG matiyak ang kaligtasan ang kaayusan ay magpapatupad na ang Manila Police District (MPD) ng mahigpit na seguridad sa bahagi ng University of Sto. Tomas (UST) at ilang city ordinances kasunod ng pagtatapos ng Bar Exams 2019 sa Linggo, Nobyembre 24 kung saan tinatayang aabot sa 8,000 ang kumuha ng pagsusulit.
Ayon kay PBGen Bernabe Balba, District Director ng MPD, kabilang sa mga ipatutupad nila na mga City Ordinances ay ang RO 7498 o Drunk and Disorderly Conduct; RO 838 o Selling Liquors to minor; RO 844 o Breach of Peace; RO 846 o Anti Nose; RO 864-C o Concealing deadly weapons; RO 1054 o Urinating in Public Places; RO 864 o Prohibiting Firecrakers at RO 5555 o Drinking in Public Places.
Matatandaan na noong nakaraang taon ay dinagsa ang naturang lugar ng mga pamilya ng mga kumuha ng pagsusulit, kaklase, mga brother at sister sa fraternity na nagpakita ng “salubong” at suporta sa kanila.
Samantala, magpapatupad naman ang Manila Police District Traffic Enforcement Unit ng road closure at rerouting sa Linggo sa bahagi ng UST mula alas-3:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi sa España Boulevard mula AH Lacson Ave at P. Noval Street.
Magkakaroon naman ng rerouting sa lahat ng sasakyan mula sa southbound ng AH Lacson at kailangang dumiretso sila sa Nagtahan patungo sa kanilang pupuntahan habang ang mga motorista na patungo sa westward ng España Boulevard na planong dumaan sa westbound lane patungong Quiapo area ay kinakailangan nilang umikot pakanan sa AH Lacson, kaliwa sa Laong-Laan hanggang sa Mendoza St. patungo sa kanilang destinasyon.
Ipinagbabawal din ang pagpaparada ng anumang sasakyan sa España Blvd,; AH Lacson Ave., Dapitan at P Noval Street. PAUL ROLDAN
Comments are closed.