PATULOY ang pagtulong ng Metro Pacific Investment Corporation (MPIC) kasama ang iba pang kompanya at Foudation (MVP Group) sa pamahalaan.
Ang One Meralco Foundation, Maynilad at LRMC ay nag-donate din ng mga eJeep, vans, at coasters para makapagbigay ng libreng transportasyon sa mga manggagawang medikal. Ang GBP ay nagbigay din ng donasyon ng kalahating milyong piso para ayudahan ang transportasyon ng mga medikal worker.
Ang planta ng GBP sa Iloilo ay nagbigay din ng P300,000 donasyon sa lokal na pamahalaan para makalikom ng mga alcohol, face mask, delatang pagkain, noodles at iba pang pangangailangan.
ISINAUNA ANG KALIGTASAN NG HEALTH CARE WORKERS
“Sa ngayon, ang mandato ng aming pinuno na si Manuel V. Pangilinan ay bigyang prayoridad ang kalusugan at proteksyonan ang aming mga empleyado para patuloy silang makapabigay ng episyenteng serbisyo mula sa aming negosyong utilidad, kasama na rin ang mga healthcare workers ng Metro Pacific Hospital Group. Tinutulungan din naming ang iba pang mga pagamutan kasama na ang Philippine National Police (PNP), at mga LGU volunteers,” ayon kay Melody del Rosario, presidente MPIF.
Idiniin din ni Del Rosario na maraming pagamutan sa bansa ngayon ang umaasa sa donasyon mula sa pribadong sektor at non-governmental organizations (NGO) dahil hindi na kayang suplayan ng kanilang mga dating supplier ang pangangailangan nila. Kasama sa mga importanteng pangangailangan ng mga medikal worker ang N95 at surgical mask, gloves, disposable gowns at goggles.
Bukod sa pamamahagi ng mga relief goods, medical equipment para makaresponde sa COVID-19 kagaya ng respirators at cardiac monitors, handa rin tumulong ng mga medical practitioners ng hospital group ng MPIC.
“Nasa ilalim ang bansa sa state of emergency, wala nang pribado o gobyernong kumpanya ngayon, kailangan nating magtulungan,” dagdag pa niya.