Nagdeklara kamakailan ang World Health Organization (WHO) na ang mpox o monkey pox ay isa nang international health emergency. Nakababahala, dahil nagsimula pa raw noong 2022 ang outbreak na ang pinakaapektado ay kadalasang mga gay at bisexual na lalaki sa buong mundo. Halos 100,000 na umano ang kaso nito at 514 na ang namatay sa 116 na bansa.
Ang monkeypox virus ay isang orthopoxvirus na nagiging sanhi ng mpox (monkeypox), isang sakit na ang mga sintomas ay kahalintulad ng smallpox o ligasbsa Tagalog. Sa totoo lang, masnmalala pa ang smallpox kesa mpox.
May bakuna na ang smallpox Mula pa noong 1980 ngunit patuloy ang paglaganap ng mpox sa mga bansa ng central at west Africa.
Tinawag itong monkeypox dahil una itong natuklasan sa isang unggoy sa Africa, ngunit nanggaling umano ito sa daga — specifically, mga dagang galing sa Central at West Africa.
Kumakakat ang monkeypox kapag may contact ang tao sa hayop o kapwa taong may virus. Mahahawa ka kung may direct contact ka sa pawis, always, ihi, sugat — kahit halos lang, o respiratory droplets ng taong infected. Mahahawa ka rin sa pakikipagyakapan, pakikipaghalikan, o pakikipagtalik.
Mas Malaki ang risk sa mga taong may multiple sexual partners.
Kung animal to human transmission naman, kapag nakagat o kahit nagalusan ka ng hayop na may mpox, mahahawa ka. O kaya naman, kapag nabahiran ka ng dugo o kinain mo ang hayop na may mpox. Minsan, kahit hindi ka kumain o nabahiran ng dugo, kung hinawakan mo naman ang mga buto o balat, mahahawa ka pa rin.
Mahalagang linisin at i-disinfect ang mga personal na gamit, at palagi ring maghuhugas ng kamay, dahil baka hindi sinasadyang may nahawakan kang infected ng mpox.
Ugaliin ang paggamit ng condoms sa pakikipagtalik lalo na kung hindi ka sigurado sa kapartner. Mas madali pang makagawa ang mpox kesa AIDS!
Ngunit walang maggagawa ang condom kung skin-to-skin o mouth-to-skin ang contact.
Kahit tinatawag itong “monkeypox,” wala talagang kinalaman ang unggoy dito. Kahit yung sinasabi nilang galing ito sa daga, hindi pa rin sigurado — carrier lamang sila ng virus. Buti na lang, walang African rodents sa Pilipinas.
Natuklasan ang unang human case ng mpox noong 1970, sa Democratic Republic of the Congo. Nauna pa sa AIDS!
Malalaman mong infected ka ng mpox kung nakipag-sex sa isang commercial sex venue at nagkaroon ka ng rashes na kadalasang nagtatagal ng 2 to 4 weeks, at nag-elevate ito sa ibang stages. Magkakaroon ka ng mamaso — parang galis-aso — at pagtatapos, magnanana (pus), na parang bulutong (chicken pox). Pwede kang lagnatin, tulad ng nangyayari kapag may smallpox ang tao.
Kung medyo malakas ang resistensya mo, pwedeng isa o dalawang galis-aso lang ang meron ka, pero puno ng nana, o kaya naman ay malaking sugat. Pero kahit kokonti lang ang sugat, masakit ito.
Yung iba ay kumunsulta sa duktor dahil nga masakit.
Siguro, pwede na rin natin itong ikonsiderang STD, dahil pwede itong makuha sa intimate sexual contact. Gayunman, hindi lamang sex ang paraan para magkaroon ng monkeypox.
Noong 2023, 22,000 suspected mpox cases sa Congo pa lamang, at mahigit 1,200 ang namatay dito.
Dalawang vaccines ang available para mabawasan ang risk and severity ng mpox infections sa United States: JYNNEOS® (Imvamune or Imvanex) at ACAM2000. Mas maganda raw ang JYNNEOS®.
Ang mpox ay zoonotic disease, na ang ibig sabihin, pwedeng magkahawahan ang tao at hayop.
Sa totoo lang, Wala pang natutuklasang gamot dito. Gumagaling ng kusa ang nagkakaroon ng monkeypox kahit hindi gamutin — syempre, depende sa lakas ng kanyang katawan. Kung gusto ng gamutin, karaniwang pain relievers at gamot sa lagnat lang ay sapat na. O kaya naman, pwede rin ang mga gamot sa smallpox, tulad ng tecovirimat (TPOXX) o brincidofovir (Tembexa).
May 59 cases sa US na ang biktima ay mga kabataang nasa edad 15 o mas bata pa, at 641 cases young people edad 16 to 20.
Meron ding 35 cases ng 71 to 75 years old, at limang 67-70 years old. Sa madaling sabi, mas madaling nahawa ang mga bata at nakatatanda.
Ang pinaka-susceptible group ay men who have sex with men (MSM). Delikado rin ang mga transgender at gender-fluid people.
May bakuna na sa monkeypox, at kung iiwas sa mga taong suspected o confirmed na may monkeypox.
At alam nyo ba, pwede rin kayong magawa kung mahahawakan o gagamitin ninyo ang damit, towels at kumot ng taong may mpox.
Sa panahon ngayon ng global outbreak ng mpox, madalas makita ang rashes sa genital at anorectal areas o sa loob ng bibig kaya naitatago. Malalaman lamang ito kapag pinatingnan sa duktor, at nagpa-laboratory gamit ang sample fluid mula sa rash. Kahalintulad lamang ito ng sintomas ng chickenpox, measles o syphilis, at iba pang sexually transmitted diseases tulad ng HIV, syphilis at iba pa.
Ayon sa Indonesian Ministry of Health, pareho lang ang sintomas ng mpox at chickenpox kaya mahirap i-determine kung may mpox ka o wala. Gayunman, hindi ito laging nakamamatay.
Wala itong pinipili, — bata, matanda, girl, boy, bakla, tomboy — kahit aso at pusa.
Samantala, sinabing ni WHO Director-General Dr Tedros Adhanom Ghebreyesus na dapat tutukan ang pagdami ng mpox cases sa Congo (DRC) at iba pang bansa sa Africa.
Nangangailangan umano ito ng public health emergency of international concern (PHEIC) sa ilalim ng International Health Regulations (2005) (IHR).
Batay ito sa payo ng IHR Emergency Committee of independent experts.
JAYZL VILLAFANIA NEBRE