‘MR. TRANSPORMER’ TUGADE PINURI PARA SA MGA INISYATIBO SA MOTORCYCLE TAXI

Secretary Arthur Tugade-4

PINURI ng government officials, transport advocates, commuters at motorcycle riders si Transport Secretary Arthur Tugade dahil sa kanyang inisyatibo sa pagtaya sa motorcycle taxi operations sa bansa habang hinihintay ang legalisasyon at regulasyon ng nasabing uri ng sasakyan.

Binansagang ‘Mr. Transpormer’ dahil sa kanyang positibong transpormasyon sa lokal na setor pang-transportasyon, nauna nang nagpalabas si Tugade ng direktiba na bumuo ng technical working group (TWG) upang talakayin ang mga isyu na may kinal-aman sa posibleng operasyon ng motorcycle taxi bilang public transport.

“Ang paglikha ni Secretary Tugade ng technical working group ay isang mahalagang hakbang upang masolusyunan ang isyung ito na matagal nang problema ng bansa,” ani Cong­ressman Winnie Castelo. “Natutuwa ako sa ganitong uri ng liderato ni Sec. Tugade sa DOTr at ipinakikita nito na sila ay sensitibo sa pangangailangan ng publiko,” dagdag pa niya.

Si Congressman Castelo ay chairman ng House Committee on Metro Manila Development. Nagsawa rin ang kanyang komite ng ilang pagdinig sa Mababang Kapulungan tungkol sa motorcycle taxi regulation sa Metro Manila.

Sa nakitang malawakang panawagan ng publiko sa legalisasyon at regulasyon ng motorcycle taxis, nagpalabas si Tugade ng direktiba na lumikha sa TWG upang talakayin ang posibilidad ng motorcycle taxi bilang pampublikong transporrtasyon.

“Kami naman sa DOTr ay marunong makinig sa daing ng publiko. Kaya kahit na hindi pa nagpapa­labas ang Korte Suprema ng pinal na kautusan tungkol sa motorcycle taxis, bumuo na kami ng TWG upang pa-aralan ang paggamit ng motorcycle taxis bilang public transpor­tation,” ani Tugade sa mga naunang panayam.

Ang TWG ay pinamunuan ni Undersecretary Mark de Leon at binubuo ng mga kinatawan ng DOTr, Land Transpor­tation Of-fice (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG), Metro Manila Development Authority (MMDA), Senate, House of Representatives, commuter welfare groups, road safety advocates, motorcycle manufacturers, motorcycle organizations, at law schools.

Tatlong ulit nang nagpulong ang TWG upang talakayin ang mga angkop na pamantayan at kapasidad ng motorsiklo para gamit-ing public transportation service. Kabilang sa mga tinalakay ay ang uri ng motorsiklo na angkop para gawing motorcycle taxi, fran-chise route, seat at helmet requirements at training requirements para sa motorcycle bikers. Pinag-usapan din sa TWG ang regulatory concerns a accountability pagdating sa usapin ng kaligtasan ng pasahero.

Sa ikalawang pagpupulong, nagsagawa ang TWG ng observation sa ipinagmamalaking safety training program ng ANGKAS at ang mataas nitong safety standards.

Makaraan ang tatlong pagpupulong, nagpanukala ang TWG na magsagawa ng test run ng motorcycle taxis at kinakailangan na lamang ng pag-apruba ni Tugade.

Sinabi ni Undersecretary De Leon na ang panukalang motorcycle taxi pilot run ay bahagi ng pagsisikap ng TWG na masubok din ang implementing rules and regulations (IRR) na binabalangkas na ng grupo.

Sa naunang pagpupulong ng transport sector officials at industry players na ipinatawag ni Presidential Adviser on Entrepreneur-ship Joey Concepcion, pinuri rin niya si Tugade sa paglikha ng TWG. Sinabi ni Concepcion na ayon kay Tugade, wala siyang tutol sa anumang uri ng transportasyon hanggang ito ay ma­ayos, ligtas at komportable.

Pinuri rin ni Angkas Head of Regulatory and Public Affairs George Royeca ang DOTr para sa test run ini-tiative. “Nais naming magpasalamat sa DOTr, laluna kina  Secretary Tugade at Undersecretary de Leon sa kanilang konsiderasyon sa kalagayan ng mga commuter at motorcycle riders,” ani Royeca.

2 thoughts on “‘MR. TRANSPORMER’ TUGADE PINURI PARA SA MGA INISYATIBO SA MOTORCYCLE TAXI”

Comments are closed.