MRT-3 SHUTDOWN ‘DI TULOY DAHIL SA BANTA NG BAGYONG ROLLY

MRT-3-7

IPINAGPALIBAN ang nakatakdang weekend suspension ng operasyon ng MRT-3 ngayong araw, Oktubre 31, hanggang sa Lunes, Nobyembre 2, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Sa kanyang tweets, sinabi ng DOTr na inaprubahan ni Secretary Arthur Tugade ang pagpapaliban sa harap ng inaasahang pananalasa ng bagyong Rolly sa Metro Manila.

“Ito ay upang maprotektahan ang mga manggagawa ng MRT-3 na magiging bahagi ng mga gagawing aktibidad sa mga nasa-bing petsa,” pahayag ng DOTr.

Wala pang mga bagong araw na itinakda para sa weekend shutdown.

Nakatakda sanang kumpunihin ng MRT3 ang 34.5-kilovolt alternating current (kV AC) switch gear sa depot nito, gayundin ang turnouts nito sa Taft Avenue station

Ayon sa DOTr, magbibigay ng anunsiyo ang pamunuan ng MRT-3 kung kailan matutuloy ang weekend shutdown.

“Sa kabilang banda, magpapatuloy ang operasyon ng mga tren sa mainline bukas hanggang Lunes.”

Comments are closed.