MRT-7 PARTIAL OPERATIONS SA 2021

MRT-7-1

INIURONG ang commercial operations ng Metro Rail Transit System Line 7 (MRT-7) sa 2021 mula 2020, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

“Para sa MRT-7, ang target natin partial operation will be end of 2021,” wika ni Transportation Undersecretary for Railways Timothy John Batan.

Naunang itinakda ng ahensiya ang commercial operations ng MRT-7 sa 2020.

Ayon sa DOTr, ang partial operation ng bagong mass rail transit system ay magsisimula sa last quarter ng 2021.

Inamin ni Batan na nahihirapan sila sa pagkuha ng right-of-way properties para sa proyekto.

Gayunman ay ginagawa, aniya, ng mga contractor at concessionaire ang lahat para mapabilis ang konstruksiyon at masunod ang 2021 target.

Comments are closed.