MATAGAL nang hinihintay ng publiko ang Metro Rail Transit Line 7, na tinatawag ring MRT Line 7 o MRT-7. Ito kasi ang pinakamabilis na sasakyan mula Norte Hanggang Metro manila. Ngunit Hanggang sa ngayon ay under construction pa rin ito.
Sakaling makumpleto na ang nasabing MRT line, may haba itong 22.8 kilometers (14.2 mi), may 14 stations, ay ang kauna-unahang MRT line na may third rail electrification. Tatakbo ito sa northeast–southwest direction, Mula San Jose del Monte sa Bulacan, patungong North Triangle Common Station sa North Avenue sa Quezon City.
Taong 2001 pa ito pinlano, at naaprobahan naman noong 2004.
Pinirmahan ang 25-year concession agreement noong 2008 sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Universal LRT Corporation. Gayunman, paulit-ulit na nabalam ang konstruksyon dahil sa isyu ng right-of-way.
Muling inaprobahan and proyekto noong 2013, at nakakalap ng pondo noong 2016. Nagsimula muli ang konstruksyon sa MRT 7 nang sumunod na taon, at sinabing matatapos ito sa 2025, pero partially open pa lamang dahil sa route realignment. Nangangakahati na ang 2024 ngunit wala pa ring magandang balita sa MRT 7.
Tinatayang aabot sa ₱62.7 billion (US$1.54 billion) ang proyektong ito, kung saan may dditional plans para sa capacity expansion upang ma-accommodate ang posibleng pagdami ng passenger ridership sa hinaharap.
Kasama na ito sa public transit system sa Metro Manila, katulad ng iba pang road-based public transport, tulad ng bus, taxi, jeepney, habal at iba pa, upang ligtas na makarating sa kanilang destinatinasyon. Ngunit ang Tanong: pwede na nga ba ito sa susunod na taon? JAYZL VILLAFANIA NEBRE