MRT-7 TRAINS MULA KOREA DUMATING NA

DUMATING na noong Lunes mula South Korea ang dalawang train sets para sa MRT-7 project ng San Miguel Corp.

Inanunsiyo ni SMC president and CEO Ramon S. Ang ang pagdating ng mga train set sa kanyang personal Facebook page nitong Martes.

Ayon kay Ang, may kabuuang anim na train cars na ang dumating at ibinababa sa port, kung saan sasailalim ang mga ito sa customs clearance.

“In a few days, the trains will be taken to our MRT-7 mainline. We’re expecting four more trainsets to arrive by December,” sabi ni Ang.

Ang railway project na pinondohan ng SMC ay inaasahang matatapos sa December 2022.

Pagdurugtungin ng MRT-7 ang MRT-3 at LRT-1, at maaaring isakay ang mga pasahero mula sa Quezon City hanggang San Jose del Monte, Bulacan ng mas mabilis.

9 thoughts on “MRT-7 TRAINS MULA KOREA DUMATING NA”

Comments are closed.