MANDALUYONG – SA halip na mapabilis ang pagdating sa destinasyon, sa presinto humantong ang isang pasahero ng Metro Rail Transit kahapon.
Ito ay dahil nakalimutan ng hindi pinangalanang pasahero na bawal ang pagbanggit o pagbibiro ng bomba sakaling sasakay ng naturang public transport.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, dakong 10:30 ng umaga kahapon ay nagbitiw ng bomb joke habang sumasailalim sa bag inspection.
Nang darakpin ay pumalag at nagpumiglas pa raw ang lalaki subalit nadala rin sa Police Detachment sa Shaw Boulevard Station.
Sa kasalukuyan, pinaiiral ang Presidential Decree 1727 o kilala sa tawag na “Anti-Bomb Joke Law.”
Ang mapapatunayang lumabag dito ay may parusang pagkakabilanggo ng hindi hihigit sa limang taon o multa na hindi lalagpas sa P40,000. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.