INIHAYAG ni Transportation Secretary Arthur Tugade na nabawasan ang sumasakay sa MRT-3.
Sa pahayag ni Tugade na nabawasan ng tatlong tren ang dating 18 tren na tumatakbo sa MRT kaya nabawasan din ang riders.
Idinahilan din na nakaapekto ang ibinabang bilis ng takbo ng tren mula 60 kilometro kada oras ay ginawang 30 kph na lamang na mistulang usad-pagong na.
Nasilip ng Commission on Audit (COA) na bumaba ng 26 porsiyento ang ridership ng MRT sa loob ng apat na taon, na mula 140 milyon noong 2017 ay natapyasan ito ng hanggang 104 milyon noong 2018.
Tinataya na magiging full rehab na ang MRT-3 sa taong 2021.
Comments are closed.