ISINAPINAL na ng Japan ang halaga, saklaw at iskedyul ng rehabilitasyon at pagmamantini ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 kung saan naglaan ito ng P16.98 bilyon para sa naturang proyekto.
Ayon sa media advisory, ang minutes ng talakayan para sa appraisal mission para sa deal ay nilagdaan noong Biyernes ng mga kinatawan ng Department of Transportation (DOTr) at ng Japan International Cooperation Agency (Jica).
Sa appraisal initiative ay itinakda ang halaga ng proyekto sa P16.98 billion, at sakop nito ang trains, power supply system, overhead catenary system, radio system, CCTV system, public address system, signaling system, rail tracks, road rail vehicles, depot equipment, elevators at escalators, at iba pang station building equipment.
Ang buong kasunduan ay tinatayang aabot ng tatlo’t kalahating taon – 31 buwan para sa magkasabay na rehabilitation at maintenance works upang maibalik ang train system sa original design condition at capacity nito, at isang taon para sa defect liability period.
Ipinaliwanag ni Transportation Undersecretary Timothy John R. Batan na ang appraisal mission ay bahagi ng proseso para sa official development assistance (ODA) deals sa Japan.
Sinimulan ang pag-uusap para sa nasabing ayuda noong nakaraang taon.
Ayon kay Batan, umaasa ng bansa na sa Hunyo ay maisasapinal ang mga sumusunod: pledge ng gobyerno ng Japan, exchange of notes, at loan agreement signing.
“Likewise the two government agreed to commit to best environmental management practices and social considerations through the procurement of a Supervision Consultant who will facilitate the implementation of an Environmental Management Plan (EMP) and an Environmental Monitoring Plan (EMoP).”
Ang Japan ODA-financed rehabilitation at maintenance project ay naglalayong “ayusin ang lahat na kailangang ayusin” sa MRT 3 sa pamamagitan ng ‘well-qualified, experienced and single-point-of-responsibility rehabilitation and maintenance service provider’
Ang pamahalaan ay kasalukuyang nakikipagkasundo sa Sumitomo Corp. at sa technical partner nito na Mitsubishi Heavy Industries para sa pangangalaga sa MRT 3.
Ang dalawang nabanggit na kompanya ang nagdisenyo, nagtayo at nagmantini sa MRT 3 sa unang 12 taon ng operasyon nito.
Tinapos ang maintenance contract ng Sumitomo noong 2012 makaraang magpasiya ang naunang administrasyon na mag-take over dito sa kabila ng ‘contrary provisions’ sa build-lease-transfer contract sa MRT Corp. LORENZ S. MARASIGAN
Comments are closed.