MS. INTERCONTINENTAL PHILS KAREN GALLMAN KINABOG ANG IBANG KANDIDATA

HALATANG pinaghandaan ng Filipino-Australian candidate na si Karen Gallman ang kompetisyon ng buzzdayMiss Interconti-nental na gaganapin dito sa bansa.

Sa nakaraang media presentation na isinagawa sa Sofitel Hotel kamakailan, nagningning si Karen at kinabog ang ibang higit sa 80 naggagandahang kandidatong dayuhan nang sila ay isa-isang ipakilala sa media.

Suot ang isang mo­dernong puting Filipiniana terno at kitang-kita ang kanyang kompiyansa sa sarili habang siya ay rumarampa na pinalakpakan ng kanyang mga kababayan.

Sa naturang pre­sentas­yon, nanalo si Karen ng dalawang special awards—Darling of the Press at H & H Standout Beauty na may kasaling $1,000 cash prize, titulong bumagay sa kanya dahil iyon ang ipinakita niya during that occasion.

“I don’t post everything online. People don’t know that I really prepared for this. It’s very good that you go to a competition and you never know what to expect. At least you’re prepared,” pahayag niya sa halong English at Filipino.

Wala pang nanalong Filipina sa 47 year old na Miss Intercontinental. Ang pinakamalapit sa korona ay noong 2015 at 2017, nang manalo si Christi McGarry at Katarina Rodriguez ng 1st runner-up ayon sa pagkakasunod.

Ang pre-pageant shows ay magaganap simula ngayon, kung saan magkakaroon ng swimsuit ang Philippine designer’s evening gown fashion show at the Grand Ballroom of Okada, Manila; on January 17, evening gown competition and designer’s Filipiniana fashion show also at the Grand Ballroom of Okada, Manila and on January 19, Saturday, the National Costume competition at the Garden, also  of Okada, Manila.

Abangan ang grand coronation night sa Enero 26 sa Mall of Asia Arena and TV airing is on Sunday, January 27 at ABS CBN before ASAP.

 

Comments are closed.