MT. APO TRAIL ISINARA SA TREKKERS

TREKERO

DAVAO DEL SUR – PANSAMANTALANG isinara sa mga trekker ang pamoso na may 9,692 feet (2,954 meters) na taas na Mount Apo simula noong Lunes, Abril 1.

Sa ipinalabas na temporary closure order ng pamunuan ng Protected Area Management Board noong Marso 28, ay isinara ang Sta. Cruz, Davao del Sur trails na sakop ng mga bayan ng Sta. Cruz, Bansalan at sa Digos.

Ipinagbabawal ang pag-akyat, trekking, camping at iba pang activities upang maiwasan ang sinasabing forest fires dahil sa matinding init ng panahon na epekto ng El Niño.

Noong Marso 7, naunang isinara ang North Cotabato Trails ng Mt. Apo dahil na rin sa nakaambang forest fire.

Base sa tala, ekta-ektaryang forest na bahagi ng 80, 864 hectares ng Mt. Apo ang nasunog noong 2016 kung saan nawalan ng tirahan ang mga ibon kabilang na ang ilang Philippine eagle.

Pinayuhan naman ang mga trekker na mag-refund o magpare-schedule ng plano sa pag-akyat sa Mt. Apo.

Sinumang grupo ng trekker na lumabag sa kautusan ay may karampatang parusa na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9237 (Mt. Apo Protected Area Act of 2003).  MHAR BASCO

Comments are closed.