QUEZON CITY – KINUMPIRMA NG Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)na naitala ang pag-aalburuto ng Mt. Bulusan sa Sorsogon kaya naman itinaas ng Phivolcs sa alert level 1 noong Sabado.
Ito ay dahil na rin sa naitalang pagbabago sa normal na kondisyon ng nasabing bulkan.
Sinabi ng Phivolcs na dumami ng seismic activty ng Mount Bulusan simula pa noong Mayo 4.
As of 5 a.m. kahapon ay umabot na sa 16 ang volcanic earthquakes na naitatala ng Phivolcs.
Bukod dito, tumaas na rin daw ang temperatura ng tubig sa mga hot springs sa palibot ng lugar.
Kaya naman pinapaalalahanan ngayon ng Phivolcs ang publiko na iwasan munang pumasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone at sa extended danger zone ng bulkan.
Pinaiiwas na rin ang mga piloto ang paglipad malapit sa summit ng Mount Bulusan dahil posibleng magkaroon ng phreatic erruption. GELO BAINO