LIMANG lindol ang naitalang pagyanig ng Mt. Kanlaon sa Negros alas-dose ng hatinggabi ng Setyembre 8 ayon sa obserbasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa inilabas na bulletin advisory ng Phivolcs, tumaas sa alert level 2 ang status ng bulkan.
Ito ay nagbuga ng 1966 tonelada ng sulfur dioxide flux kahapon, Setyembre 7.
Naitala ang malakas na Plume o Steaming na may taas na 700 metro at bumabagsak sa hilagang-kanluran, kanluran at timog-timog-silangan.
Namamaga rin ang bunganga ng bulkan at ito ay nakitaan din ng paglobo.
Kaugnay nito, muling nagpaalala ang PHIVOLCS na maaaring maganap ang biglaang steam o phreatic explosions, rockfall mula sa tuktok ng bulkan.
Dahil dito, ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa apat na kilometrong (4 km) radius Permanent Danger Zone o PDZ at ang paglipad ng sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan upang makaiwas sa anumang pinsala.
RUBEN FUENTES