MT. MAKILING TRAIL SA UPLB BUKAS NA

LAGUNA- DAHIL sa pagluwag ng galawan ng publiko, bukas na sa turista ang Mt. Makiling Trail and botanical garden sa University of the Philippines (UP)-Los Baños.

Ang nasabing botanical garden ay halos dalawang taon isinara dahil saCOVID-19 pandemic.

Ang Mt. Makiling Trail ay angkop sa mga turista mahilig sa kalikasan gaya ng puno, halan at maging ang hayop katulad ng ibon.

Para matikman ang buhay probinsya, kinailang maglakad sa putik at matararik o trail ang turista.
Samantala, ang Makiling Botanic Garden na may iba’t ibang uri ng exotic plants at matatagpuan din sa bansa.

“During their visit they can very well see and enjoy ‘yung diversity ng mga halaman na nakikita dito sa Mt. Makiling and of course if they are so lucky perhaps they encounter some of the wildlife,” pagbibida ni Dr. Roberto Visco, park manager and director ng Makiling Center for Mountain Ecosystem.

Upang makabisita sa nasabing park and wild life, dapat magpa-register ang turista sa pamamagitan gn online at tanging mga fully vaccinated ang maaaring makapasok sa botanical garden.