MT. MAYON MAPANGANIB

MT. MAYON

ALBAY – AGAD nagpahayag ng pagli­linaw ang Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phivolcs) na nananatili pa rin ang panga­nib sa bulkang Mayon kung kaya’t hindi pa maaaring ibaba ang nakataas na Alert Le­vel 2 status o moderate level of un-rest.

Ayon kay Phivolcs Director at DOST Undersecretary Renato Solidum, patuloy na naoobserbahan ang pamamaga sa bulkan base sa naitala ng tiltmeter at Global Positioning System (GPS).

Napag-alamang binabantayan din kung konektado ang naturang pagbabaga sa paunti-unting pagtaas ng materyales ng bulkan matapos ang huli nitong pag-aalburuto.

Pahayag pa ng opisyal na nakita rin sa mga latest picture ang tila pagbabago sa bu­nganga o vent ng bulkan.

Paliwanag ni Solidum, hindi lamang ang buga ng asupre at pagyanig na naitatala sa bulkan ang parametong binabantayan kundi maging ang itsura ng crater at pressure sa ilalim.

Kasunod nito, tuloy pa rin ang paalala at rekomendasyon ng mga awtoridad na iwasang umakyat sa Mayon volcano.

BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.