MT. PINATUBO ‘NAGPASABOG’; TURISTA BINAWALANG LUMAPIT

ZAMBALES- BAHAGYANG naglabas ng kaunting usok ang Mt. Pinatubo kahapon.

Kinumpirma naman ito ni Phivolcs Dir. Renato Solidum at sinabing naitala ito alas-12:09 hanggang alas-12:13 ng tanghali.

Kaugnay nito, pinagbabawalan ng Phivolcs ang mga turistang bumababa sa crater ng bulkan, para mamangka.

Hindi rin inaalis ng ahensya ang posibilidad na magkaroon pa ito ng mga susunod na volcanic activity.

Huling nagkaroon ng major erruption ang bulkan noong Setyembre 2, 1991.

Sa nasabing pagsabog ay 300 ang nasawi at mahigit 100,000 ang nawalan ng bahay, matapos matabunan ng abo mula sa bulkan.