MUDSLIDE: 10 BAHAY NATABUNAN

SURIGAO DEL NORTE- PINANGANGAMBAHANG madagdagan pa ang 10 bahay nang natabunan ng mudslide sa bayan ng Mainit sa lalawigang ito.

Sa inisyal na ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, ang mga apektadong mga bahay ay gawa sa semi-permanent materials sa isang lugar sa Barangay Siana ang nasira nang tamaan ng mga putik at mga bato na dumausdos mula sa gilid ng isang bundok kasunod ng malakas na ulan sa kapaligiran nitong Sabado.

Wala namang naiulat na namatay o nasaktan sanhi ng mudslide.

Agad namang nailikas ng mga kawani ng Mainit Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga apektadong residente sa isang gymnasium at nabigyan na rin ng inisyal na ayuda katulad ng pagkain at inuming tubig.

Patuloy pa rin ang assessment sa lugar habang pinayuhan angga residente na magbantay lalo na’t naitatala pa rin ang pag-ulan.

Una nang ibinabala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration na posibleng ulanin ang Mindano lalo na’t kamakailan ay natanaw ang cloud cluster sa Silangang bahagi ng nasabing rehiyon na magdudulot ng pag-ulan. EUNICE CELARIO