PHOTO/S: Pau Guevarra / Facebook | PEP.ph
Nagsampa na sa Department of Justice (DOJ) ng kasong Rape through sexual assault at multiple counts of acts of lasciviousness, ang kampo ni Sandro Muhlach laban sa dalawang independent contractors ng GMA-7 na sina Jojo Nones at Richard “Dode” Cruz.
Nitong August 19 ng Umaga, isinumite ni Sandro ang mahigit 200 pahina ng kanyang salaysay, kasama ang amang si Niño Muhlach at legal counsel na si Atty. Czarina Quintanilla-Raz.
Kumpiyansa si Atty. Raz sa inihaing reklamo dahil may matibay umano silang ebidensiya, bukod pa sa dalawang witness.
Matatag si Sandro ngunit emotional si Niño sa pangyayari. Ni hindi nga ito nagpa-interview. Naiintindihan namin, dahil mahirap talagang tanggaping nagahasa ang anak mo — kahit pa lalaki. Napakabata pa ni Sandro, at ang gusto lamang sana ng bata ay tumayo sa sarili niyang paa. Gusto sana niyang makilala na walang tulong ni Niño o ni Aga Muhlach. Hindi naman niya sukat-akalaing sasamantalahin pala ito ng mga taong walang pagpapahalaga sa dangal ng kapwa.
Tumuloy sina Niño at Sandro sa Senado para sa pagpapatuloy ng hearing ng Committee on Public Information and Mass Media na pinamumunuan ni Senator Robin Padilla.
Ayon naman kay Atty. Garduque, legal counsel nina Cruz at Nones, wala pa silang kopya ng reklamo. Sasagutin umano nila ito kapag natanggap na nila.
“Under the rules, DOJ will set a hearing for preliminary investigation of this case and we will file our counter-affidavit to said complaint,” aniya.
Sa pagdalo ni Gerald Santos sa Senate hearing at pagbubunyag na minolestiya rin siya ng isang musical director noong 15 years old pa lamang siya, lalong tumibay ang akusasyong may nagaganap ngang kamalasaduhan sa GMA-7. But since 2005 pa ito naganap, may bearing pa kaya kung magsasampa siya ng kaso laban sa musical director?
Naospital raw si Dode Cruz dahil sa anxiety. Ayokong mag-comment at wala akong masasabing maganda.
Pero matay ko mang isipin, walang dahilan si Sandro para magsunungaling. Si Gerald, pwedeng sabihing sumasakay sa isyu. Pero si Sandro, he’s got everything. Mukha, pera, koneksyon — andyan lahat. At suportado si Sandro ng Muhlach clan. Sinamahan pa nga si Niño ng mga pinsang sina Aga at Arlene Muhlach. At baka nakalimutan nyo, apo si Sandro Nina Alex at Cheng Muhlach at ni Amalia Fuentes na biyenan ni Albert Martinez.
Kaya nga, Nones, Cruz at Atty. Garduque, bigyan ninyo kami ng acceptable reason para maniwala kaming nagsisinungaling si Sandro. May mapapala ba siya? Susulat ba siya? Napaka-negative nito para sa malinis na pangalan ng mga Muhlach.
Heto, umabot na sa Senado ang “midnight snack” issue. Sangkot na rin si Gerald kaugnay sa karanasan nito sa dating musical director ng GMA 7.
Kung bakit kasi may mga baklang maoagsamantala, pwede namang bumili ng por kilo.
Naungkat na rin lang ang kahalayan at sexual harassment, may iba pang biktima nito ngunit iilan lamang ang nagkalakas ng loob na magsalita. Natatakot kasi o nahihiya.
RLVN