BINAGO ng Philippine Statistics Authority (PSA) pataas ang paglago ng gross domestic product (GDP) ng Pilipinas sa second quarter ng taon sa 6.4 percent mula 6.3 percent.
Sa isang statement, sinabi ng PSA na ang major contributors sa upward revision ay ang manufacturing na lumago ng 3.9 percent, at anc accommodation and food service activities na tumaas sa 12.1 percent mula 10.4 percent.
Ayon sa PSA, nag-ambag din sa ang upward revision ang real estate and ownership of dwellings, na tumaas sa 7.6 percent mula 7.2 percent.
Naobserbahan din ang upward revisions sa second quarter annual growth rates ng Gross National Income mula 7.9 percent sa 8.1 percent at ng Net Primary Income from the Rest of the World mula 24.7 percent sa 25.7 percent.
“The Philippine Statistics Authority (PSA) revises the GDP estimates based on an approved revision policy (PSA Board Resolution No. 1, Series of 2017-053), which is consistent with international standard practices on national accounts revisions,” ayon sa PSA.
Ilalabas ng PSA ang third quarter Philippine economic growth data sa Huwebes.
ULAT MULA SA PNA