SINUSPINDE ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa darating na Miyerkules Santo (Abril 5) mula ala- 5 ng hapon hanggang alas- 8 ng gabi.
Ang suspensyon sa pagpapatupad ng expanded number coding scheme ng MMDA ay kaugnay sa inihayag na deklarasyon ng Malakanyang na hanggang alas-12 na lamang ng tanghali ang pasok sa lahat ng sangay ng gobyerno sa Abril 5.
Sa inilabas na anunsyo ng MMDA, ang pagsuspinde ng expanded number coding scheme ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga indibidwal na uuwi sa kani-kanilang probinsiya na mapagkalooban ng mahaba-habang panahon sa paggunita ng Semana Santa.
Ayon pa sa MMDA, mananatiling suspendido ang pagpapatupad ng number coding scheme ng hanggang Abril 10 (Lunes) na idineklara ring regular holiday ng Malakanyang.
Magbabalik sa normal ang pagpapatupad ng number coding scheme sa Abril 11 (Martes). MARIVIC FERNANDEZ