(Mula California, Ohio) IMPORT BAN SA POULTRY PRODUCTS

IPINAGBAWAL na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng domesticated at wild birds, kabilang ang poultry meat, eggs at iba pang mga produkto, mula California at Ohio sa United States.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., ang hakbang ay kasunod ng ilang outbreaks ng Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) sa rehiyon.

“The rapid spread of the HPAI H5N1 strain in the United States since the first laboratory detection necessitates a wider coverage of the trade restriction to prevent the entry of HPAI virus and protect the health of the local population,” ani Tiu-Laurel.

Ang kaso ng H5N1 ay iniulat ng US Veterinary Services sa World Organization for Animal Health noong Nobyembre para sa states ng California at Ohio.

Sakop din ng ban ang day-old chicks at semen.

Ipinag-utos din ng kalihim ang agad na pagsuspinde sa pagproseso, pagsusuri ng application, at pag-iisyu ng Sanitary Phytosanitary Import Clearance (SPSIC) ng commodities.

“All shipments coming from California and Ohio that are already in transit, loaded or accepted at Philippine ports before the official communication of the ban on Jan. 15, 2024 shall be allowed,” sabi ng DA.

Gayunman, kailangang matiyak na ang nasabing mga produkto ay naprodyus o ang mga manok ay kinatay, 14 na araw bago ang unang outbreak.

Ang poultry meat import ng bansa mula US noong 2023 ay umabot sa 166,356 metric tons. Ang US ay pangalawa sa listahan ng mga bansa na nagsusuplay ng poultry meat sa Pilipinas, na tinatayang  40 percent ng total poultry meat arrivals (426,620 metric tons).