(Mula Dis. 16-31) ALERT LEVEL 2 PA RIN

MANANATILI sa Alert Level 2 ang Pilipinas hanggang sa matapos ang taong 2021.

Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles, ito ay dahil sa patuloy ang banta sa pandemya sa COVID-19.

Ayon kay Nograles, iiral ang Alert Level 2 sa buong bansa simula Disyembre 16 hanggang Disyembre 31, 2021.

Ayon kay Nograles, inilabas ang desisyon matapos ang pagpupulong ng Inter-Agency Task Force.
Sa ilalim ng Alert Level 2, pinapayagan ang mga establisyemento na magkaroon ng 50 percent capacity indoors para sa mga fully vaccinated at 70 percent capacity outdoors.

Samantala, walong bansa ang Inilagay ng IATF sa red list Na kinabibilangan ng France, Monaco, Northern Mariana islands, Reunion, San Marino, South Africa at Switzerland. EVELYN QUIROZ