(Mula Disyembre1 hanggang Enero 15, 2021) ABRA NAKA-LOCKDOWN SA LSIs, NON-APORs

Ma Jocelyn Bernos

ABRA -NAKAAMBANG mag-lockdown ang lalawigan ng Abra  laban sa locally stranded individuals (LSIs) at non- Authorized Persons Outside Residences (APORs) upang mapanatili ang ‘zero-cases’ ng COVID-19.

Ayon kay Abra Governor Ma. Jocelyn Bernos, naipaabot na ang request na suspension ng unnecessary travel sa nasabing lalawigan na magsisimula sa Dis­yembre 1 hanggang Enero 15, 2021.

Nabatid na hiniling ni Bernos sa Regional IATF’s na aprobahan ang request sa suspension ng issuance ng travel authority para sa LSI at non-APORs na walang essential o necessary transactions sa nasabing lalawigan.

Base sa pahayag ni Gov. Bernos, nakatutulong para mapanatiling hindi kakalat ang COVID-19 sa na­sabing lalawigan kung saan  isasabay sa ongoing repairs ng barangay isolation facilities.

Sa kasalukuyan, zero active cases ang Abra sa buong Cordillera Administrative Region (CAR) na walang naitalang active cases simula noong November 17, 2020.

Samantala, paulit -ulit na sinabi ng lady governor na panatilihin ang minimum health at safety protocols ng kanyang kababayan sa Abra para maging welcome ang “zero-cases”

Base sa tala, umaabot sa 105 ang nakarekober at dalawa ang namatay sa COVID-19 simula noong Marso 2020. MHAR BASCO

Comments are closed.