(Mula Enero 1 hanggang 15) TRAVEL BAN SA 6 BANSA

IPAGBABAWAL ng Pilipinas ang pagpasok sa bansa ng mga biyahero mula sa anim na bansa sa unang dalawang linggo ng 2022 sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang Eswatini, Lesotho, Malawi, Mozambique, Namibia, at  Spain ay isasama sa “Red List” simula Enero 1 hanggang 15.

Hindi naman kasali sa ban ang mga Pilipino na uuwi sa pamamagitan ng repatriation program at  “Bayanihan” flights.

Samantala, sinabi ni Nograles na mula Enero 1 hanggang 15 ay magiging bahagi na ng tinatawag na  “Green List” ang mga sumusunod na low-risk territories:

  • Bangladesh
  • Benin
  • Bhutan
  • British Virgin Islands
  • China (Mainland)
  • Cote d’ Ivoire (Ivory Coast)
  • Djibouti
  • Equatorial Guinea
  • Falkland Islands (Malvinas)
  • Fiji
  • The Gambia
  • Guinea
  • Hong Kong
  • Indonesia
  • Kuwait
  • Kyrgyzstan
  • Liberia
  • Montserrat
  • Oman
  • Pakistan
  • Paraguay
  • Rwanda
  • Saba (Special Municipality of the Kingdom of the Netherlands)
  • Saint Barthelemy
  • Sao Tome
  • Principe
  • Senegal
  • Sierra Leone
  • Sint Eustatius
  • Taiwan
  • Timor-Leste (East Timor)
  • Togo
  • Uganda
  • United Arab Emirates

Ang mga biyahero mula sa naturang mga bansa ay kinakailangang kumpletuhin ang pinaikling quarantine sa kanilang pagdating sa Pilipinas.

Bukod dito, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang acceptance/recognition para sa layunin ng arrival quarantine protocols, gayundin para sa  interzonal/intrazonal movement ang national COVID-19 vaccination certificate ng Armenia, Belgium, Canada, France, Germany, Kuwait, New Zealand, Sri Lanka, Thailand, United States of America at Oman.

“This is in addition to such other countries/territories/ jurisdictions whose proofs of vaccination the IATF already approved for recognition in the Philippines, and without prejudice to such other proofs of vaccination approved by the IATF for all inbound travelers,” sabi ni Nograles.

Kaugnay nito ay inaatasan ang  Bureau of Quarantine, ang Department of Transportation – One Stop Shop at ang Bureau of Immigration na kilalanin lamang ang proofs of vaccination na inaprubahan ng IATF.