LUMAKI ang kita ng pamahalaan mula Enero hanggang Hulyo 2021 ng 3.6 percent sa P1.75 trillion mula sa P1.69 trillion sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sa kabila ng pagtaas, ang government revenues ay hindi pa umaabot sa pre-pandemic level na nasa P1.82 trillion.
Ayon sa Department of Finance (DOF), ang mas mataas na kita ng gobyerno sa unang pitong buwan ng taon ay sanhi ng pinaigting na pangongolekta ng buwis.
Ang tax collections sa pamamagitan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ay tumaas ng 7.8 percent sa P1.2 trillion ngayong taon mula sa P1.11 trillion noong 2020.
Nakapagtala naman ang Bureau of Customs (BOC) ng kabuuang tax collections na P358.9 billion mula Enero hanggang Hulyo, na mas mataas ng 18.5 percent kumpara sa P302.9 billion na naitala sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.
“BOC’s collections this period already surpassed its pre-pandemic revenues even if modestly by more than PHP1.2 billion. Both collection agencies’ revenues also exceeded the 6.2 percent nominal GDP (gross domestic product) growth in the first semester,” nakasaad sa Economic Bulletin ng DOF.
Samantala, bumaba ang non-tax revenues sa P173.2 billion ngayong taon mula sa P259.7 billion noong 2020.
“Non-tax revenues declined by 33.3 percent due to last year’s hefty non-recurrent dividend remittances by government corporations,” sabi pa ng ahensiya.
162353 455612Hey there! Good stuff, please maintain us posted when you post again something like that! 12787
827734 443654I also recommend HubPages itself, and Squidoo, which is related. 325550