(Mula Enero hanggang Hulyo) P21.3-B FAKE GOODS NASABAT NG BOC

MAY P21.3-B na halaga ng fake goods ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa unang pitong buwan ng taon.

Sa isang statement, sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na ang 219 operasyon na isinagawa mula Enero 1 hanggang Hulyo 14 ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng malaking halaga ng counterfeit items.

Ngayong buwang ito lamang, ang ahensiya ay nakakumpiska ng P240 million na halaga ng fake goods, kabilang ang luxury fashion brands Balenciaga at Louis Vuitton.

“Customs has been actively combating the import and export of fake products by cracking down on intellectual property rights violators,” pahayag ni Rubio sa Asia Security Conference Exhibition sa Singapore.

Gayunman, sinabi ni Rubio na ang ahensiya ay nahaharap sa dalawang matinding hamon, kabilang ang ‘inefficient trade facilitation’ sa pamamagitan ng brand certification o verification ng brand owners, at counterfeiters na sinasamantala ang lumalawak na impluwensiya ng e-commerce sector.”

“[I] urge e-commerce platforms to tighten their policies and enhance monitoring of retailers to prevent the sale of prohibited products on their platforms,” aniya.

Kaugnay nito, sinabi ni Rubio na mahalagang manatili ang Pilipinas sa intellectual property watchlist ng EU.