(Mula Enero hanggang Mayo) COLLECTION TARGET NAHIGITAN NG BOC

NAGTALA ang Bureau of Customs (BOC) ng surplus na P12.41 billion mula sa  revenue collection nito mula Enero hanggang ikalawang linggo ng Mayo.

Base sa preliminary report na inilabas nitong Miyerkoles, ang numero ay mas mataas ng 3.9 percent kumpara sa  target collection na P317.87 billion nang makakolekta ito ng P330.27 billion mula Enero hanggang Mayo 13.

Ang kabuuang koleksiyon ay mas mataas din ng  7 percent kumpara sa P308.65 billion na nakolekta sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Iprinisinta ni Commissioner Bienvenido Rubio ang mga numero sa  Executive Committee meeting ng Department of Finance (DOF) noong Mayo 15.

Iniulat din niya ang 132 apprehensions sa first quarter, na nagresulta sa pagkakakumpiska ng higit-kumulang P28.02 billion sa ilalim ng pinaigting na border protection ng BOC.

Ang mga kinumpiska ay kinabibilangan ng general merchandise, counterfeit goods, cigarettes/tobacco, at iba’t ibang illegal drugs na nakumpiska sa iba’t ibang ports.

Samantala, sa ilalim ng fuel marking program, may kabuuang 7.01 billion liters ng fuel ang minarkahan para sa kasalukuyang calendar year, kung saan may P908.52 billion na halaga ng fuel ang minarkahan mula 2019 hanggang Mayo 9 ngayong taon.

Inilatag din ng BOC ang  first-quarter report nito sa volume of imports, kabilang ang  oil at non-oil commodities.

“The BOC remains committed to contributing to DOF’s goal of fostering national socio-economic growth by collecting additional revenue for our fellow Filipino people and guarding the country’s borders,” sabi ni Rubio.