(Mula Enero hanggang Nobyembre) PEZA INVESTMENT APPROVALS PUMALO SA P141-B

PATULOY na nakarekober ang investment approvals sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA) kung saan tumaas ang pledges mula Enero hanggang Nobyembre 2023 ng 147 percent sa P140.88 billion, mula P57.05 billion sa kaparehong panahon noong 2022.

Nalampasan na ng investment pledges sa unang 11 buwan ng taon ang full-year approvals ng PEZA noong nakaraang taon.

Sinabi ni PEZA Director General Tereso Panga sa  PEZA 28th Investors’ Night sa Pasay City noong Miyerkoles na buhat nang magsimula ang administrasyong Marcos noong 2022, nabaligtad na ng investment promotion agency (IPA) ang negative growth nito sa investment approvals sa kabila ng domestic at global economic challenges.

“The road to progress has not been easy for any developing economy. We have our policy challenges, the global Covid pandemic. We saw four years of decline in investments,” aniya.

Noong 2018, ang PEZA approvals ay nasa P140.2 billion, na bumaba pa sa mga sumunod na taon sa P117.54 billion noong 2019, P95.03 billion noong 2020 at P69.30 billion noong 2021.

Noong nakaraang taon ay binaligtad ng PEZA ang declining trend sa pagposte ng 103-percent growth na may kabuuang investments na nagkakahalaga ng P140.7 billion.

Bilang isang export zone, ang outbound trade ng locators sa PEZA ecozones ay tumaas ng 57.59 percent sa USD54.54 billion noong Enero hanggang Setyembre 2023 mula USD31.41 billion sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Hanggang end-September 2023, ang direct employment sa PEZA ecozones sa buong bansa ay umabot sa mahigit 1.78 million.

“Likewise, PEZA accounted for the biggest share in the total foreign investment commitments for the last two consecutive quarters this year among all IPAs in the country,” sabi pa ni Pangaz

Kabilang sa top foreign sources ng investments sa PEZA ay ang Japan, na may 27.34 percent ng total approved projects; United States, 14.82 percent; the Netherlands, 11.68 percent; United Kingdom, 6.84 percent; Singapore, 4.09 percent; at South Korea, 3.3 percent.

Sa performance ng PEZA ngayong taon ay tumaas pa ang kontribusyon ng IPA sa ekonomiya sa nakalipas na 28 taon

Mula 1995 hanggang 2023, ang PEZA investment approvals ay umabot sa mahigit P4.3 trillion, ang export revenues ay pumalo sa USD1 billion mark, nagkaroon ng 1.8 million direct jobs, at may 422 ecozones at 4,352 kompanya na matatagpuan sa loob ng PEZA ecozones.

“We firmly believe that ecozones acts as shields to soften the landing of headwinds of the global disruptions while at the same time serve as drivers of economic recovery and growth,” ang PEZA chief.

(PNA)