(Mula Enero hanggang Setyembre) BOC KAPOS SA COLLECTION TARGET

SINABI ng Bureau of Customs (BOC) na ang kabuuang koleksiyon nito para sa unang siyam na buwan ng 2024 ay bigong makamit ang target nito dahil sa mga pagbabago sa polisiya kamakailan.

Base sa preliminary data, mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon, ang BOC ay nakakolekta ng P690.842 billion na revenue.

Bagama’t nagpapakita ito ng 4.61% paglago o P30.454 billion na pagtaas kumpara sa P660.388 billion na nakolekta sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, sinabi ng BOC na ang latest revenue collection nito ay kapos ng 0.44% mula sa target nito.

Ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) ay nagtakda ng P693.888 billion target mula Enero hanggang Setyembre 2024. Nangangahulugan ito na ang P690.842 billion collection ay mas mababa ng P3.046 billion sa target.

Ayon sa BOC, ang pagpapatupad ng Executive Order (EO) No. 62, na nagtapyas sa tariff rate para sa bigas sa 15% mula 35%, ay nagresulta sa revenue loss na P6.089 billion mula sa rice imports.

Pinalawig din ng EO 62 ang zero-import duties sa ilalim ng EO 12 upang isama ang battery electric vehicles (BEVs), hybrid electric vehicles (HEVs), plug-in HEVs, at specific parts and components, na nagresulta sa karagdagang revenue loss na P2.901 billion.

“Despite these challenges, the Bureau remains optimistic in achieving its revenue goal for the year,” ayon sa BOC.

“The BOC will actively work and implement strategic measures to boost revenue collection, including the collection of non-traditional revenues such as post-entry audit and auction. These efforts are ai med at not only recovering lost revenues but also positioning the Bureau for sustainable financial growth in the future,” dagdag pa nito.