(Mula Enero hanggang Setyembre) BUDGET DEFICIT NG PH LUMIIT

NABAWASAN ang budget deficit ng bansa mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Sa latest cash operations report nito na inilabas noong Huwebes, sinabi ng BTr na ang budget deficit sa naturang panahon ay bumaba ng 1.35 percent sa P970.2 billion mula P983.5 billion na naitala noong January-September 2023.

Ang pamahalaan ay nagkakaroon ng budget deficit kapag mas malaki ang paggasta kaysa revenues nito.

“The total deficit for the first three quarters was 9.08 percent short of the PHP1.1 trillion program for the nine-month period and is at 65.36 percent of the PHP1.5 trillion revised full-year program,” ayon sa BTr.

Sa datos ng BTr, ang revenue collection ay tumaas sa P3.3 trillion, tumaas ng 16.04 percent mula sa P2.8 trillion na nakolekta noong 2023.

Ang revenue collection sa nasabing panahon ay mas mataas din ng P142.8 billion sa January-September program.

Sa kabuuang koleksiyon, ang buwis na nakolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BOC), at iba pang tanggapan ay bumubuo sa 85.39 percent o P2.8 trillion, tumaas ng 10.62 percent year on year.

Ang nalalabing 14.61 percent o P481.1 billion, at non-tax revenues, na lumago ng 62.54 percent.

Samantala, umabot ang spending sa P4.3 trillion, mas mataas ng 11.56 percent, na nagresulta sa P46 billion overperformance kumpara sa nine-month program na P4.2 trillion.

Para sa buwan lamang ng Setyembre, ang budget deficit ay tumaas ng 8.9 percent sa P273.3 billion mula P250.9 billion noong nakaraang taon.

“Revenue collection for September climbed to PHP299.7 billion, outperforming the previous year’s outturn by 17.32 percent,” ayon sa BTr.

Ang BIR collections para sa Setyembre ay tumaas sa P174.7 billion, mas mataas ng 14.79 percent kumpara noong nakaraang taon.

“This is attributed to higher personal income tax (PIT), particularly on withholding on wages due to the release of salary differentials of civilian government personnel pursuant to Executive Order No. 64, series of 20242, which updated from the Salary Standardization Law (SSL) of 2019,” ayon sa BTr.

Sinundan ito ng mas mataas na koleksiyon mula sa documentary stamp tax.

Gayunman ay bumaba ang koleksiyon ng BOC ng 3.31 percent sa P76.3 billion noong Setyembre dahil sa double-digit negative growth sa import duties, sanhi ng tariff reduction ng ilang commodities.

“Also, the decline is due to an alarming increase in smuggling activities within the year, as the current amount of the BOC’s seized goods has already surpassed their total haul in 2023,” pahayag ng ahensiya.
Lumago naman ang total expenditures noong Setyembre ng 13.15 percent sa P572.9 billion mula P506.3 billion noong nakaraang taon.a

“The increase was due to non-interest expenses, particularly due to the implementation of capital outlay projects of the Department of Public Works and Highways, larger personnel services expenditures due to the implementation of the first tranche of salary adjustments of qualified civilian government employees, as well as the payments for health emergency allowance claims of health care workers,” ayon sa BTr.