(Mula Enero hanggang Setyembre) INVESTMENT APPROVALS RECORD-HIGH SA P1.35-T

IPINAGDIWANG ang kanilang ika-57 founding anniversary kahapon, ang 2024 ay inaasahang magiging isa na namang banner year para sa Board of Investments (BOI) dahil pumalo na sa record-high ang project registrations sa loob ng wala pang siyam na buwan.

Ayon sa BOI, ang investment approvals nito mula Enero 1 hanggang Setyembre 15 ngayong taon ay pumalo sa P1.35 trillion, tumaas ng 82 percent mula P741.98 billion sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Nahigitan na nito ang full year approvals noong 2023 na P1.26 trillion.

“As we celebrate our 57th anniversary, we are more inspired with the strong show of confidence by local and foreign investors in the Philippines, that has made it possible for BOI to hit the PHP1.3 trillion mark in investment approvals,” wika ni Trade Undersecretary at BOI Managing Head Ceferino Rodolfo.

Malaking bahagi ng investments ay nagmula sa renewable energy projects na nagkakahalaga ng P1.29 trillion. Ang mass housing projects ay nagtala ng P20.28 billion na halaga ng investments; habang ang manufacturing ay may P12.13 billion; agriculture, forestry, and fishing, P10.05 billion; at administrative and support service activities, P5.46 billion.

“These investments are critical to strengthening the Philippines’ economic foundation. The focus on renewable energy and manufacturing is helping drive sustainable growth, creating thousands of jobs, and improving the quality of life for Filipinos,” ani Rodolfo.

Karamihan sa investments ay inilagak sa mga rehiyon ng Calabarzon, Central Luzon, at Western Visayas, na nakakuha ng P602.63 billion, P258.68 billion, at P238.88 billion, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Ang top five investment destinations ay kinumpleto ng Bicol Region at Ilocos Region sa P42.87 billion at P62.68 billion, ayon sa pagkakasunod.

“This accomplishment highlights both our agency’s unwavering commitment to nurturing a thriving investment landscape and in harnessing our country’s potential to be the prime investments destination for smart and sustainable manufacturing and services. We are excited to build on this momentum to work towards industrial transformation and economic growth that benefits all Filipinos,” ayon pa kay Rodolfo.

Gayundin, ang investments mula sa foreign sources ay nag-ambag ng P341.78 billion sa kabuuang approvals sa huling tatlong quarters, kung saan ang mga kompanya mula sa Switzerland ay nag-invest ng P286.77 billion, Netherlands ng

P39.58 billion, Singapore ng P6.18 billion, United States ng P1.68 billion, at Taiwan ng P1.30 billion.

“The keen investment interest from both local and foreign investors will propel long-term economic progress and position the country as a global leader in strategic investments,” dagdag pa ni Rodolfo. ULAT MULA SA PNA