(Mula Holy Thursday hanggang Easter Sunday)OPERASYON NG LRT-2 SUSPENDIDO

LRT 2

TIGIL muna ang operasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa Holy Thursday (April 6) hanggang Easter Sunday (April 9) at paiikliin ang kanilang operating schedule sa Holy Wednesday.

Ayon sa LRT-2, sa April 5, ang pinaikling operating schedule ay hanggang alas-7 ng gabi lamang para sa parehong ruta na patungong Recto at Antipolo City.

Sinabi ni LRTA Administrator Hernando Cabrera na ang four-day shutdown ay magbibigay sa LRTA ng sapat na panahon para magsagawa ng puspusang maintenance sa LRT-2 trains, station facilities, at equipment para masiguro ang “reliability at safety“ ng system.

“We normally take advantage of the Holy Week to perform our yearly maintenance activities. With this, we appeal for understanding from the riding public and request that they plan their trip and take alternative transportation during this period,” sabi ni Cabrera.

Magbabalik ang normal operations ng LRT-2, na nagkokonekta sa Recto at Antipolo, sa April 10, simula sa alas-5 ng umaga.

PNA