INANUNSIYO ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang maintenance schedule nito para sa Light Rail Transit Line 2 sa Holy Week simula sa Marso 29.
Ayon sa LRTA, ang kanilang operasyon sa Marso 29 ay magsisimula sa alas-5 ng umaga kung saan ang huling commercial train ay aalis sa Santolan sa alas-8:30 ng gabi at sa Recto sa alas-9 ng gabi.
Ang normal operating hours ay babalik sa Linggo, Abril 4.
Pinaikli rin ang biyahe sa Marso 30 kung saan ang operasyon ay magsisimula sa alas-5 ng umaga at ang huling commercial train ay aalis sa alas-8 ng gabi (Recto-Santolan; Santolan-Recto).
Walang biyahe ang mga tren sa Marso 31 hanggang Abril 3, 2021.
Comments are closed.