(Mula nang buksan ang borders ng Pinas) FOREIGN TOURISTS DUMAGSA

Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat

AABOT na sa 176,857 dayuhang turista ang dumating sa Pilipinas mula nang buksan ng gobyerno ang borders nito.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, dumating sa bansa ang foreign tourists mula February 10 hanggang April 2, kung saan karamihan sa mga ito ay nagmula sa United States, Canada, United Kingdom, at South Korea.

Nitong Abril 1 nang simulan ng  bansa na tumanggap ng foreign tourists, kabilang ang mga indibidwal mula sa VISA countries, at noong Pebrero 10 naman nang buksan ang bansa sa mga business at leisure traveler mula sa 157 VISA-free countries.

Tanging fully vaccinated foreign tourists ang pinapayagan na makapasok sa bansa, kung saan obligado ang mga ito na magprisinta ng negatibong COVID-19 RT-PCR Test result, na kinuha 48 oras bago ang kanilang biyahe o negatibong laboratory-based antigen result na kinuha 24 na oras bago ang departure sa point of origin. DWIZ 882