MULING lumobo ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa pagkatapos ng Pasko.
Sa datos ng Department of Health, nakapagtala ng 1,776 na karagdagang kaso na pinakamataas simula noong araw ng Pasko.Dahil dito, umakyat na sa 483,852 ang bilang ng mga nagka-COVID-19 sa bansa.
Nasa kabuaang 25,158 o 5.2% active cases sa pangkalahatang datos ng DOH sa buong bansa.
Iniulat pa na 285 ang mga gumaling sa COVID-19 sa araw ng Biyernes dahilan upang pumalo na sa 449,330 ang mga nakarekober.
Walo ang panibagong bilang ng namatay kaya umakyat na sa 9,364 ang nasawi sa kabuuan.
Ang lalawigan ng Bulacan ang nakapagtala ng pinakamaraming bagong kaso na 99, sinundan ng 96 sa Davao City, 83 naman ang bagong kaso sa Quezon City, 80 sa lalawigan ng Rizal at 64 sa Laguna.
Comments are closed.