SA ikalawang sunod na taon ay isasara ng munisipal na pamahalaan ng Pateros ang mga pampubliko at pribadong sementeryo sa munisipalidad sa darating na “Undas” dahil pa rin sa peligro na idudulot ng COVID-19.
Maglalabas ng ordinansa ang munisipalidad sa pagbabawal ng mga bibisita sa mga sementeryo ng limang araw mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2.
Hinimok din ang publiko na magtungo na lamang ang mga ito sa sementeryo nang mas maaga upang mabisita ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay para maiwasan ang pagkukumpulan ng tao na isa sa nagiging sanhi ng hawahan ng COVID-19.
“Nananawagan po kami ng pang-uunawa sa administrador ng mga sementeryo gayundin sa mga residente na nagbabalak na dumalaw sa mga sementeryo,” ani Pateros Mayor Miguel “Ike” Ponce III.
Kasabay nito, inihayag ng alkalde na ang curfew sa buong Metro Manila kabilang ang Pateros ay magkakaroon na ng mas maiksing unified curfew hours na sinimulan kahapon mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw alinsunod sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Resolution No. 21-23 na may petsang Oktubre 10.
Lumagda sa naturang resolusyon ang lahat ng mayor na miyembro ng Metro Manila Council (DOH) matapos ilahad ng Department of Health (DOH) na nagkaroon na ng general decrease ng aktibong kaso ng COVID-19 sa buong National Capital Region (NCR).
Napagkaisahan ng mga metro mayors na paiksiin ang pagpapatupad ng curfew hours sa NCR sa gitna ng magandang pagbabagong nakita nitong mga nakaraang araw partikular ang patuloy na pagbaba ng bilang ng COVID-19 sa rehiyon. MARIVIC FERNANDEZ
345638 349196This is such an excellent resource that you are offering and you provide out at no cost. I appreciate seeing web sites that realize the worth of offering a perfect valuable resource completely free of charge. I genuinely loved reading your submit. 485312
860736 589667Outstanding blog here! Also your site loads up fast! What host are you utilizing? Can I get your affiliate link to your host? I wish my web site loaded up as speedily as yours lol 109739